Speech rendered at the graduation ceremonies at Academia de Regina at Trece Martirez City, Cavite, Philippines on 29 March 2008; directed to elementary and high school graduates:
Sa ngayon, pinagdiriwang natin ang tagumpay ng mga kasalukuyang tampulan ng pansin: ang mga nagtatapos. Sila ngayon ay nasa bungad ng mga bagong pagkakataon sa pag-alam, at sariwang lansangan ng kasanayan upang maging bihasa sa kanilang kaalaman.
Kahalintulad ng bawat pagdidiriwang ng pagtatapos, kayong mga nagtatapos ay nagmimistulang nakatayo sa pintuan ng inyong hinaharap. Ang bawat baitang ng inyong pagaaral ay isang silid na magbibigay daan sa mas malaking silid, hanggang sa inyong matuklasan ang pinakamalaking silid na inyong kinabibilangan ay ang mundong mismong ating ginagalawan. Kayo ay may angking talino at kakayahan sa inyong kapanganakan, at kayo ay gumugol ng mga taon upang linangin ang mga ito sa inyong paaralan upang yumabong ang inyong kahusayan. Ang kahusayan ay tunay ngang magpapabuti para harapin ang mga pamantayang hinihingi ng lipunan para kayo ay maging mga makabuluhang nilalang, ngunit huwag ninyong kalimutan na linangin niyo ang inyong sarili tungo sa higit na katauhan. Huwag niyong ikabighani ang karagdagang pagtuon sa paghuhulma ng mas higit na katauhan sapagkat ito ay magbibigay ng higit na bisa sa kalidad sa inyong pagiging makabuluhang nilalang sa lipunan.
Kayo ay may angking katalinuhan, kakayahan at kahusayan. Datapuwa’t maari kayong mabuhay sa pamamagitan ng mga yaon, ngunit huwag ninyong kalimutan ang kahalagahan ng pamilya at ng mga kaibigan. Pangalagaan niyo sila, at huwag ninyong hayaang ang kanilang mga bilang ay umunti sa kadahilanan ng inyong pagsasawalang-bahala. Marahil inyong matatanto ang pagkakahabi-habi ng inyong mga buhay lalo na ngayon ang daigdig ay lumiliit sa kadahilanan ng teknolohiya at ugnayang panlipunan.
Ngunit, marahil, kayo ay haharap sa mas mahigit na pagsubok, higit sa hinaharap ninyo sa ngayon, sa inyong pagusad sa buhay, marahil kasalamuha ang iba o minsan nagiisa. Harapin ang pagsubok ng buong loob. Huwag kayong matakot, sa kadahilanang ito’y kasama sa inyong paghubog. Huwag din kayong matakot sa pagkabigo dahil walang sino man, kahit ang dakilang tao, ang hindi nakaranas ng pagkabigo. Marahil, sa huli, inyong mapagtatanto a ang pinakamahusay na pamamaraan kung paano makakamit ang mga bagay-bagay, patungo sa pinamimithing tagumpay, ay ang pagtitimbang ng aralin sa pagkakabigo at pagtatagumpay.
Dapat ninyo ding intindihin na kung ano ang inyong natatantong hinaharap sa ngayon ay maaring hindi katulad ng inyong tunay kinabukasan. Bawat isa sa inyo ay may pangarap. Marahil, ang inyong magulang or kamag-anak ay mayroon ding pangarap para sa inyo, maging kahalintulad ng inyo o hindi. Habang inyong binabaybay mahabang paglalakbay, may ibang tao na maari ding may pangarap para sa inyo; kung saan maari ninyong pagpasyahan, sa kinalaunan, kung ang mga ito ay inyong ngang susundin. Pakatandaan lamang na dapat niyong panatilihin ang nais ng inyong puso, sa anu mang daang tatahakin nyo, upang inyong maisabuhay sa anumang daang paroroonan. Gawin ang inyong pinakamahusay sa bawat landasin na inyong tinatahak, at huwag kayong paghinaan ng loob kung ang kasalukuyan ay hindi tugma sa inyong mga balakin. Minsan ang daang inyong tinatahak ay mahaba at masikot, ngunit ang daan na ito ay maaring magbalik sa inyong unang balakin.
Panghuli, kung mayroon kayong panahon, sana’y inyong marapatin na magsulat. Magsulat tungkol sa inyong pananaw ng daigdig, at kung paano niyo ninanais ito. Magsulat tungkol sa inyong sarili, at tungkol sa lahat ng bagay na inyong pinaniniwalaan. Sulatin ito ng panayan, sa bawat pagkakataon, kahalintulad sa inyong pagtatapos, paghahanapbuhay at pagkakataas ng tungkulin. Kupkupin ang inyong mga sulatin at basahing muli sa panahong kayo ay nasa katayuan na upang ipagkabisa sa lipunan at sa sandaigdigan. Mas madaling tandaan kung paano ninyo gustong maging ang mga bagay sa panahong kaya na ninyong itong ikasasakatuparan.
Maligayang bati. Ninanais ko ang tagumpay ng inyong pagpupunyagi.
Maraming salamat sa pagkakataong makasalamuha kayo sa ganitong pagdiriwang.
Original speech, prior to translation:
We celebrate the achievements of those who are in focus today: the graduates. They are now in the threshold of new opportunities in learning, and are presented with fresh avenues of experiences to develop themselves further.
As in every graduation celebration is, you, graduates, are standing at the doorsteps of the future. Each ladder of schooling is but a room leading towards a bigger room, until the biggest room that you find yourself in is the world itself. You have given your innate intellect and talents at your birth, and you have spent years harnessing these in your school to develop your skills. Skills indeed will help you face the requirements demanded by the society for you to become functional entities, but do not forget the necessity to develop yourself into better persons. You might be surprised that additional attention to develop better personalities would have a greater impact in the quality in which you become functional entities in society.
You have your intellect, your talents, and your skills. Although you can live by those, don’t forget the value of family and friends. Keep them. Don’t let their numbers dwindle through the years by neglecting your relationship. You might be surprised by how intimate your lives are and can be, especially as the world becomes smaller through social linkages and technology.
Yet, perhaps, you will face greater challenges, than what you have right now, as you move on in life, perhaps facing them along with others or sometimes alone. Meet those challenges with open arms. Do not be afraid as they are essential to your formation. Do not be afraid also of failure as no one, even a great person, is immune to those. Perhaps, eventually, you would realize that you get to find the best methods of how to achieve things, towards your ultimate success, in a careful balance of lessons learned in both failures and successes.
Understand also that what you perceived to be your future might not be the same as your real future would be. I am sure, you have your own ambitions. Perhaps, even, your parents or your relatives have their ambitions for you, whether they are the same with yours or not. In the long path still, other people may have other ambitions for you, and you might decide later on to pursue them or not. Just remember to keep what you want in your heart, wherever the road would lead you, so that you can relive what you want when the path leads where it is. Do the best that you can be in every path you find yourself in, and not be disinterested just because the present is not consistent with your plans. Sometimes the path is long and windy, but it could point back to the path of your original plan.
Lastly, if you have time, write. Write about how you see the world now, how you want it to be. Write about yourself, and all the things that you believe in. Write this regularly in every major occasion, such as graduations, employment and promotions. Keep those notes and read them again when you are in the position to affect society and the world itself. It would be easier to remember how you want things to be, by the time you can actually make them happen.
Congratulations. I wish your success in your endeavors.
Thank you for this opportunity to be with you in this occasion.
Thank you Emil Alviola, Bboy de Jesus and Romy Salvador for the help in the Tagalog translation.